KALABAW

external image moz-screenshot-1.pngexternal image carabao1.jpg

Scientific Name: Bubalus bubalis carabanesis




Kingdom:
Animalia
Phylum:
Chordata
Class:
Mammalia
Order:
Artiodactyla
Family:
Bovidae
Subfamily:
Bovinae
Genus:
Bubalus
Species:
B. bubalis
Subspecies:
B.b. carabanesis

Ang kalabaw ay isang subspecies ng Bubalus bubalis o ang "Water Buffalo". Para sa mga domesticated na kalabaw, umaabot sila ng 700 hanggang 800 kg at halos 3m pahaba at 2m pataas kapag adult ang pinag-uusapan. Mas malaki ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Tulad ng ibang mga Water Buffalo, mayroong kurbadong sungay ang mga ito. Ang nakakatanging pisikal na katangian ng kalabaw ay ang mga maiiksi na balahibo na nasa itaas ng ulo nito. Madalas na naliligo sa ilog o putik ang mga kalabaw dahil mabilis silang mainitan at wala silang sweat glands para magsilbing magpalamig. Karaniwang 20 hanggang 25 na taon ang haba ng buhay ng kalabaw. Mahinahon ngunit malalakas at masisipag din ang mga ito.

Ang kalabaw ay isa sa mga simbolo ng Pilipinas: ito ay ang unofficial National Animal.

Pwedeng maituring na napakamatalik na kaibigan ng magsasakang Pilipino ang kalabaw lalo na dahil ang Pilipinas ay isang bansa na umaasa sa agrikultura hindi pa gumagamit ng teknolohiya o mga makina ang mga mambubukid. Tumutulong ang mga kalabaw sa pag-aararo ng mga taniman. Kaya nitong itulak ang malalaking paragos ng magsasaka at hindi madaling mapagod. Maliban dito, isang "modelo" ang kalabaw ng kasipagan at ito rin ang dahilan kung bakit ito na-domesticate sa marami pang mga bansa sa Timog-Silangang Asya maliban sa Pilipinas.

Bantog na hayop ang kalabaw sa Pilipinas. Kasama nga ang mga kalabaw sa mga kapistahan tulad ng Pista ng Kalabaw tuwing Mayo 15-16 at ipinaparada ang mga ito.

external image Carabao1.jpg

Sources:


http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Kalabaw

http://en.wikipedia.org/wiki/Carabao

http://en.wikipedia.org/wiki/Domestic_buffalo#cite_note-Britannica-6